May nakita akong post sa fb nung bf ng classmate ko...simple lang siyang message but I think it's sweet. Hindi ko alam pero bigla nalang akong naiyak...hindi ako nagseselos ha! issue!! :))....siguro naisip ko na dapat ganun kami ngayon at hindi ganito....Oo alam ko nakapagdecide na ko pero hindi ko talaga maiwasan..syempre sa una hindi naman basta-basta mawawala sa isip ko yung tao, kelangan talaga ng time. Tamang tama pa kasi nanonood din ako ng movie ni kim at gerald yung till my heartaches end. Medyo nakarelate ako kasi sobrang martyr si kim dun pero hindi naman ako ganun kagrabe....Dun ako nakarelate sa tipong ang dami na niyang kasalanan sayo pero ok laging ok lang...yung hindi mo siya matiis....yung ikaw nalang lagi yung kumikilos...Syaka yung tipong ang tagal ka niyang hindi kinakausap tapos may problema na pala hindi man lang niya masabi sayo.
Natamaan pa ako sa isang line dun nung bf ng friend niya nung nagbreak na sila ni gerald....
"Tama na! wag kana mag-intay...lalong wag ka ng umasa..tapos na yan e...wag mo ng sayangin ang oras mo..."
Enough
Thursday, July 14, 2011
Posted by Helga dear at 9:39 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment