Nagstart lahat nung 3rd yr. college 1st sem, that time may bf ako...dyan pa nagstart yung hirap ng pag-aaral namin..Engineering kasi ang course ko, grabe kasi ang prof namin dun sa isang subject. May dalawa kaming classmate pero hindi namin sila ka-block, naging classmate na rin namin sila dati. Hindi pa namin sila ganun ka close but nakakausap namin sila. Minsan nakakasabay din namin silang kumain sa labas pag lunch. Yung isa dun sa dalawa na pangalanan nating M. Nung one time na nakasabay namin sila maglunch, ang dami ko kasing dala nun kaya tinulungan niya ko. Nakakatuwa siya kasi bukod sa gentleman siya parang kuya na din namin siya, 4 years ang tanda niya samin. May org kami na para dun sa mismong course namin, may event kasi "ECE night"...Oo ece nga ako....maaga palang nagplano na kami nung mga friends ko tungkol dun sasali kasi kami sa isang contest dun, yung mgpapakita ng talent as a group. May nabuo naman sa pagpapalano namin, sinali nga namin yung dalawa. by partner yun ganito 3 scenes kasi yun meaning 3 love stories. ....Sama-sama na nga yung talent dun e, may singing, dancing and acting..o diba bongga?...Sinabihan namin yung isa sa kanila na tawagin nating J, ayun payag naman siya. Nung si M na hindi siya makasagot kinukulit kasi siya nung tatlo kong loka-lokang kaibigan. May halo pang panunukso, yun isa kong friend pinapalapit ako sa kanila pilitin ko daw....ewan ko pero parang nahihiya ako?..hindi ko alam kung bakit at feeling ko namumula na ako nun...at nung pumayag si M nagsigawan yung tatlo. Para silang ewan, napansin pa nila na namumula ako..nakakahiya tuloy. Syempre una nagpictorial muna kami para dun sa trailer..may ganun kasi. Nanunukso pa sila nung kami na, nakakailang promise!...
Practice kami ng practice..buti nga sunod lang ng sunod yung dalawa. Nung mismong night na syempre kabado...haharap ba naman sa madaming tao, e kami pa naman yung unang scene...kahit na kinakabahan ako nagpepretend akong cool lang....nung gagawin na namin yung last action which is nakayakap siya sakin from the back at magtitinginan kami...May iba kong nafeel parang nagstop lahat, may narealize ako.....Ilang araw ko yun inisip kasi hindi pwede dahil nasa isang relationship ako at di ako sure..hanggang sa nasabi ko yun sa isa kong friend, meaning sure na talaga ako. Ayan tuloy sa tuwing nakikita ko siya iba yung feeling minsan natatawa pa ko pag kausap ko siya.
Nakakalungkot lang kasi nalaman namin na magshishift na pala yung dalawa pero hindi pa sila sure. Pinipilit nga namin silang wag na at dahil naguguluhan na ako humingi ako ng sign hanggang sa araw ng swimming ng batch namin sa ece.One time yung isa kong friend may sinabi sakin na may gusto daw sakin si M, ayaw lang sabihin sakin kasi nga alam nila na may gusto ako dun tapos may bf ako. after nun parang naiilang at nahihiya ako pag kaharap at kausap ko siya. Nung mismong araw ng swimming namin may exam kami ng umaga nun, nakakatawa nga e pareho pa kaming nakasuot nung yellow na org shirt namin at sa pagkakaalam ko kaming dalawa lang nakasuot nun. Kinakabahan ako sa swimming namin kasi magkakaron ng game dun na question and answer pero ang mga questions dun ay about sa mga crush. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba yung akin o magiimbento nalang pero naisip ko magshishift na naman sila baka eto na yung last chance.
Nung ako na nga yung tinanong sinabi ko na, nakatalikod ako sa kanya nun kaya hindi ko na nakita yung reaction niya. Nung siya na yung tinanong siya kung sino daw yung mamimiss niya pag nagshift na sila ang sagot niya kami daw lahat, pero pinipilit siya nung isa kong friend na isa lang ang isagot at ayun ako na yung sinagot niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano. After nun parang umiiwas siya parang mabuti nalang na hindi ako nagsabi. Nung sure na ko na meron talaga akong nararamdaman nagdecide na akong makipagbreak sa bf ko. Actually, matagal ko na talagang gusto noon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. Syempre nalaman niya nun pagkatapos nga nun lagi ko na siyang katext nun. Nung tumagal hindi ko alam kung may gusto ba talaga siya sa akin. Hanggang sa nafeel ko na parang may something pero ayokong magexpect tapos nalaman ko nalang nanliligaw na pala siya. Masaya ako syempre pero pangit yung naging start ng panliligaw niya parang wala pa din siyang pakialam sakin. Dumating nga yung time na gusto na niyang tumigil sa panliligaw, ako pa ang gumawa ng way para maayos yon....naayos naman siya at dun na naging kami. Naging ok naman ang lahat, nun lang ako sumaya ng ganun. Natatakot nga ko na bka isang araw mawala na lahat ng yun.
Dumating yung araw na hindi siya ngtetext, syempre text ako ng text baka kasi magreply siya bigla pero wala. Nung mismong monthsary wala din. Magpapasukan na tinry kong makipagkita para makapagusap, ang aga ko pumasok para makausap siya pero nalaman ko hindi pala siya papasok. Iniiwasan niya na pagusapn yung tungkol samin, hanggang sa napilit ko siya at sinabi niyang mas mabuting maging magkaibigan muna kami.
0 comments:
Post a Comment